#AdbenturTym: MANJUYOD



 Hindi maikakaila ang ganda ng  ating  bansa; mayaman sa likas na yaman, kultura at magagandang tanawin. Bansang dala ay saya at paghanga na bigay sa atin ng kalikasan. 

Ang MANJUYOD SANDBAR ay puting hiyas na lumilitaw tuwing bumababa ang tubig sa dagat. Sabayan ng matinding sikat ng araw na  nagpapalitaw ng kagandahan nito. Maputing buhangin, malinaw at kulay asul na tubig parang isang paraiso na ubod ng kay ganda na sarap balik-balikan. Ang tanawin na ito ay matatagpuan sa pulo ng Negros Oriental, Manjuyod. Kinakailangan lang ng 15 minuto mula sa baybayin upang matanaw mo ang lugar na ito.


Sa aming pagbisita, sinalubong kami ng magandang panahon at makikita mo talaga ang kagandahan ng lugar. Walang makikitang puno ng niyog  kundi ang maputing buhangin sa ilalim ng malinaw na tubig. Di kami ng aksaya ng oras at dalidaling sumisid sa sa malinaw na dagat.

          Di problema ang pagkain sapagkat may mga Bangka na nagtitinda at may  mga kubo na maaring pagtulugan. Mabubusog talaga ang iyong mata sa ganda ng lugar lalo na ang mga bundok na pumapaligid sa  sa maputing hiyas na dagat.

          Sa ilang oras ng pagtatampisaw sa tubig ay mararamdaman mo ang pagkamangha at saya sa bawat pagsisid.Tunay na isang magandang tanawin na bukod tangi na dapat nating ipagmalaki hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi sa buong mundo.Lugar na babalikan-balikan mo, lugar na kakaiba at lugar na hahanap-hanapin mo. Walang duda na tinawag tung  “Maldives of the Philippines” ,sa ganda ng tanawin, maputing buhangin at malinaw na tubig hindi ka talaga magdadalawang isip na bumisita dito. Siguradong mabubusog ang iyong mata at magbibigay ngiti sa iyong labi.


PETE PEGARIDO

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

#AdbenturTym: West 35 Eco Mountain Resort

#AdbenturTym : MACTAN NEWTOWN